Jump to Content

Magsimula

Mga karaniwang tanong tungkol sa Programang Advanced na Proteksyon.

Pag-enroll sa Advanced na Proteksyon

Sino ang dapat mag-enroll sa Programang Advanced na Proteksyon?

Dapat pag-isipang gumamit ng Advanced na Proteksyon ng mga taong may mga account na naglalaman ng partikular na mahahalagang file o sensitibong impormasyon. Lubos na inirerekomenda ng Google na mag-enroll ang mga mamamahayag aktibista, business executive, at mga taong may kinalaman sa mga eleksyon.

Hindi lang isang Google Account ang mayroon ako. Alin ang dapat kong i-enroll?

Kung ikaw ay nasa matinding panganib na ma-target para sa mga online na pag-atake, inirerekomenda naming i-enroll mo ang iyong mga account sa trabaho at pati na rin ang personal mong account, at posibleng pati na rin ang mga account ng mga miyembro ng iyong pamilya.

Google Workspace Account ang mayroon ako. Puwede ba akong mag-enroll?

Kung Google Workspace Account (Google Account ng organisasyon) ang mayroon ka, puwede mo itong i-enroll bilang indibidwal nang may pag-apruba ng admin. Simulan ang proseso ng pag-enroll para makita kung na-enable na ng iyong admin ang Advanced na Proteksyon. Kung hindi, makipag-usap nang direkta sa iyong admin.

Isa akong administrator ng Google Workspace para sa isang team o organisasyon. Puwede ko bang i-enroll ang lahat?

Oo. Sa katunayan, inirerekomenda naming i-enroll ang lahat ng account sa anumang organisasyong posibleng ma-target, gaya ng isang kampanya; isang grupong pampulitika, pangmamamahayag, o aktibista; o isang organisasyong may kinalaman sa eleksyon.

Paghahanda para mag-enroll

Magkano ang gagastusin sa Advanced na Proteksyon?

Libreng serbisyo ang Programang Advanced na Proteksyon.

Para makapag-enroll, puwede kang gumamit ng passkey sa iyong personal na device o puwede kang bumili ng security key. Kakailanganin mo ring magdagdag ng mga opsyon sa pag-recover para maiwasang ma-lock out.

Kailangan ko ba ng espesyal na hardware o software?

Kailangan mo ng kahit man lang isang passkey o security key na sumusunod sa FIDO, tulad ng Titan Security Key ng Google, kapag nag-enroll at nag-sign in ka sa iyong Google Account. May opsyon kang mag-enroll sa alinman sa mga sumusunod na configuration bilang iyong pangunahin at pangalawang factor sa seguridad:

  • 2 passkey o security key
  • 1 passkey at 1 security key
  • 1 passkey o security key, at mga opsyon sa pag-recover, tulad ng numero ng telepono at email sa pag-recover

Mayroon ba akong anumang kailangang i-set up bago mag-enroll?

Oo. Magdagdag ng email at numero ng telepono sa iyong Google Account, para madali mo itong mare-recover kung ma-lock out ka.

Paggamit sa iyong account nang may Advanced na Proteksyon

Ano ang maaasahan ko kapag naka-enroll na ako? Ano ang magbabago?

Hindi magbabago ang karamihan sa pang-araw-araw mong aktibidad sa account.

  • Ang pinakamalaking pagbabago ay hihingin na ang iyong passkey o security key mo kapag nag-sign in ka sa iyong account.
  • Posibleng mapansin mong nakakatanggap ka ng mas maraming alerto o babala bago mag-download ng file o mag-install ng app. Ang lahat ng produkto ng Google, gaya ng Google Play Store at Google Chrome, ay may built in na malalakas na proteksyon laban sa malware, pero nagsasagawa ang Advanced na Proteksyon ng mas mahihigpit pang pagsusuri.
  • Ang ilang feature sa seguridad ng account na dating opsyonal ay awtomatikong io-on at pananatilihing naka-on para sa iyong account.

Paggamit ng mga passkey at security key

Ano ang passkey at paano ako makakagawa nito? Ilan ang kailangan ko?

Ang mga passkey ang pinakasimple at pinaka-secure na paraan para mag-sign in sa iyong Google Account, na nagve-verify na ikaw iyan gamit lang ang fingerprint, scan ng mukha, o lock ng screen mo — hindi kailangan ng password. Hindi mahuhulaan o magagamit ulit ang mga passkey, na makakatulong na panatilihing secure ang iyong pribadong impormasyon laban sa mga attacker. Puwede ring gumawa ng mga passkey sa mga pisikal na security key na sumusunod sa FIDO 2.

Kailangan mo ng kahit isang passkey o isang security key na naka-set up sa iyong account para makapag-enroll sa Advanced na Proteksyon.

Ano ang security key at paano ako makakakuha nito? Ilan ang kailangan ko?

Ang security key ay isang pisikal na key na gagamitin mo para mag-sign in sa iyong account, tulad ng ginagawa mo para sa iyong bahay o kotse. Kapag nag-sign in ka sa pamamagitan ng security key, isasaksak o ididikit mo ang key sa iyong device.

Ang mga Google Account na gumagamit ng mga passkey o security key ay mas ligtas laban sa mga pag-atake kaysa sa mga account na password lang ang mayroon. Kakailanganin mo ng kahit man lang isang passkey o security key na naka-set up sa iyong account para makapag-enroll sa Advanced na Proteksyon.

Mga uri ng key

Ginagamit ng mga passkey ang mga built-in na panseguridad na feature ng iyong personal na device, tulad ng fingerprint, scan ng mukha, o iba pang lock ng screen mo. Puwede ring gumawa ng mga passkey sa mga pisikal na security key na sumusunod sa FIDO 2.

Maraming uri ng mga hardware na security key. Puwede kang magsaksak ng USB key sa iyong device, magtabi ng Bluetooth key sa malapit, o maglapit ng NFC key sa device mo kapag nagsa-sign in ka.

Puwede kang bumili ng Titan Security Key ng Google o kahit anong key na may suporta sa open standard ng FIDO 2. Puwede ring gumamit ng mga FIDO 1 key para mag-enroll sa Advanced na Proteksyon, pero kakailanganin mo pa ring ilagay ang iyong password kapag nagsa-sign in.

Kakailanganin ko bang dalhin ang aking key sa lahat ng oras? Paano kung mawala ko ito?

Kakailanganin mo ang iyong passkey o ang security key mo para makapag-sign in sa iyong Google Account. Tandaang dalhin ang iyong passkey (na nasa iyong device) o ang security key mo kapag bumibiyahe ka.

Kung mawala mo ang iyong passkey o security key at naka-sign in ka pa rin sa isa sa mga device mo, bumisita sa account.google.com para magdagdag o magpalit ng key. Kung hindi, magsumite ng kahilingan para i-recover ang iyong account. Posibleng abutin ng ilang araw ang Google para i-verify na ikaw ito at i-restore ang access mo.

Para sa higit pang Mga FAQ, bisitahin ang
Mag-enroll sa Advanced na Proteksyon.